touch screen (táts is•krín) : VDU screen na nagtatanghal ng mga datos, lalo na ng impormasyon para sa mga mamimili, kapag hini-hipo.
touch (tats) 1: idampi ang kamay, daliri, at iba pa, sa isang bagay 2: hipuin o suriin 3: kalabitin 4: maapektuhan ang damdamin.
screen printing (is•krín prínt•ing) : proseso na tulad sa proseso ng istensil, may handang latag ng pinong materyal na tinintahan
split screen (is•plít is•krín) : uri ng potograpiya, gaya sa telebisyon o pelikula, na may dalawa o higit pang magkakahiwalay na imaheng ipinakikíta nang magkakasabay
silk screen (silk is•krín) : paraan ng printmaking, ipinipinta sa iskrin na may balangkas na kahoy ang disenyo